Drew Arellano nag-sorry sa ‘virus’ tweet

Drew Arellano tweetUmani ng pambabatikos si Kapuso host Drew Arellano sa kanyang statement tungkol sa coronavirus.

Sa Twitter, sinabi nito na ang mga tao ay tunay na virus at ang coronavirus ay ang gamot.

“We are the virus and covid’s the cure really,” tweet ni Drew.

Ilang netizens din ang nagsabi ng ganitong statement dahil sa pagbaba ng polusyon sa buong mundo dahil sa lockdown ng karamihang bansa.

Ngunit hindi lahat ng netizens ay sumang-ayon dito, katulad na lang ni Spoken word artist Juan Miguel Severo.

“Drew, I know the human race sucks but let’s not paint this virus as a good thing. It’s insensitive to those who’ve lost loved ones. You’re the father of very beautiful children. Can you tell that to someone who’s lost his son to COVID-19?” reply nito sa tweet ni Drew.

Dinelete na ni Drew ang nasabing tweet at humingi ng tawad.

“My apologies for the tweet. It was insensitive. Hoping everyone is fine on their end.”