Kahit bata pa, marunong ng tumulong si Scarlet Snow lalo na ngayong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Bukod sa pagtulong mag-pack ng personal protective equipment (PPE) kasama ang kanyang mommy na si Dr. Vicki Belo, nagfu-fund raising din ito para makalikom ng donasyon.
“I have drawings from my live art session that my kuya @quarkhenares’ team is helping me to auction off. The money that will be raised will go to the Philippine scientists at Philippine Genome Center and Research Institute of Tropical Medicine,” ang post nito sa kanyang Instagram account.
Ang nasabing donasyon ay tulong upang makagawa ng test kits ang mga Pinoy scientist.
Dagdag pa ni Scarlet, sasamahan niya ng prayer book ang kanyang masusubastang drawings.