DOT to the rescue sa kapalpakan ng Phisgoc

Asahan na ang maayos na takbo ng Southeast Asian Games (SEAG) na aarangkada sa Nobyembre 30- Disyembre 14 ngayong nakialam na ang Department of Tourism (DoT).

Kinumpirma ng DOT na nakipag-ugnayan na sa kanila ang Philippine  Southeast Asian Games Organizing Committee (Phigosic) para umalalay sa pag-estima ng mga atletang kalahok sa SEA Games.

Ang pagpapel ng DoT ay nangyari matapos na ulanin ng batikos ang Phigosic na tagapamahala sa SEAG dahil sa sandamakmak na reklamo ng mga atleta.

Ngayong ang DoT na ang in-charge ay makakaasang matututukan na ang pangangailangan ng mga dayuhang atleta katulad ng hotel accommodations, service vehicles at matinong pagkain para sa mga atleta.

Kabilang sa mga pagdadausan ng laro ay sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon).