DOST may 13K scholarship slot sa 2020

Target ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Pena na umakyat sa 13,000 sa 2020 ang iskolar ng ahensya matapos na mas maraming bilang ang kumuha ng exam nakaraang Oktubre.

“Eleven thousand at the least, but hopefully we could open 12,000 to 13,000 slots for SY 2020-2021,” pahayag ng kalihim sa panayam ng Philippine News Agency (PNA).

Ang kabuuang bilang ng iskolar ayon kay dela Pena ay nakadepende sa aaprubahang pondo ng DOST sa 2020 at sa savings ng departamento.

Sinabi pa ng kalihim na ang bilang ng mga kumuha ng exam sa DOST ay umakyat sa 113,000 mula sa 80,000 nakaraang taon.

Ang mga kumuha ng exam ay mga aplikante para sa college freshman scholarships.

Lumobo din ayon sa DOST chief ang scholarship ng departamanto mula 8,000 noong 2018 ay naging 9,900 ngayong taon.

Umabot naman na sa 36,772 scholars ang naasistehan ng DOST hanggang nitong 2018.