Dolphy young photo

Nagbigay ng tribute ang tech giant Google sa ‘King of Comedy’ Rodolfo “Dolphy” Quizon sa 92nd birth anniversary nitong Sabado, Hulyo 25.

Makikita ang doodle ng comedian sa search homepage ng Google na ginagawa sa espesyal na okasyon.

Dolphy Google Doodle

Ang tribute ay bilang pag-alala sa kontribusyon nito sa Philippine entertainment industry, na tumagal ng anim na dekada.

Namatay si Dolphy noong July 10, 2012, sa komplikasyon sa pneumonia at chronic obstructive pulmonary disease.