Dole nagbigay ng P5K sa nagkamaling netizen

Dole productsNagbigay ang local fruit company Dole ng P5,000 worth of products sa isang Facebook user na napagkamalan silang labor agency.

Nitong Miyerkules, nag-post ang Dole sa kanilang Facebook page na tinupad na nila ang kahilingan ni netizen CJ Banasihan.

“He may not have gotten the money yet from the Department of Labor and Employment (DOLE), but he received more than 5,000 pesos worth of our products for brightening up everyone’s day with his viral post,” ayon sa post.

Nag-post naman ng pictures si Banasihan ng kanyang mga natanggap at nagpasalamat sa Dole.

“Thank you Dole Ph. I didn’t expect you to make my message real. And thank you to those who shared that’s why my post went viral. God bless us all,” caption ng post ni Banasihan.

Nitong Marso 24, ibinahagi ni Banasihan ang private message nito sa Dole.

“Ano na? Nasan na yung 5k namin?”

Ipinaliwanag naman ng account handler na isa silang fruit company, hindi ang ahensiya ng gobyerno.

Ang nasabing P5,000 ay ang ayuda ng matatanggap ng mga manggagawang naapektuhan ang kabuhayan ngayong enhanced community quarantine, na ipapamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE).