Doktor nakipag-kamay kay Putin, positibo sa COVID-19

Vladimir PutinAng doktor na nagbigay kay Russian President Vladimir Putin ng tour sa isang ospital sa Moscow ay nagpositbo sa coronavirus.

Bumisita si Putin nitong Martes sa Kommunarka hospital kung saan nakausap niya ang doktor na si Denis Protsenko na walang proteksyon, at nakuhanan pa itong nakipagkamay sa presidente.

Nasa mabuting kalagayan naman ang doktor at naka-isolate sa kanyang opisina.

Regular namang tini-test si Putin para sa coronavirus at nakasuot na ito ng hazmat suit at respirator.