DOH paputok memes patok sa netizens

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang lahat sa pagamit ng paputok ngayong bagong taon sa pamamagitan ng memes.

Panatilihing kumpleto ang iyong mga daliri ngayong bagong taon!Isang malusog na pasko at ligtas na bagong taon sa ating lahat, mula sa inyong Kagawaran ng Kalusugan!

Posted by Department of Health (Philippines) on Thursday, 26 December 2019

Pinaalalahan ng DOH kung paano hindi mawalan ng daliri sa darating na 2020.

Sa isa namang meme ay tungkol sa hindi paggamit ng paputok para maiwasan ang aksidente.

Dahil na rin sa dami ng party ngayong holiday season, nagpapaalala rin ang DOH tungkol sa pag-inom ng alak.

Nakalikom na rin ng mahigit 28,000 likes, 1,000 comments at 25,000 shares ang nasabing memes.

Alagaan ang iyong atay. Kung maaari ay huwag nang uminom ng alak ngayong holiday season.Isang malusog na pasko at ligtas na bagong taon sa ating lahat, mula sa inyong Kagawaran ng Kalusugan!

Posted by Department of Health (Philippines) on Friday, 27 December 2019