BAGAMAT sinang-ayunan ang ipinatupad na pagluluwag sa physical distancing sa mass transport ng Department of Transportation (DoTr) ay iginiit ng Department of Health (DOH) na mas ligtas pa rin ang isang metrong layo ng mga pasahero.
“Given the recent decision of the Department of Transportation to ‘optimize physical distancing in transportation’… we enjoin all Filipinos to be extra vigilant in situations where distancing cannot be practiced, and if possible, choose to participate in activities or use transport options that can afford at least [one meter] distancing,” ayon sa DOH.
Kasabay nito ay inabisuhan ng DOH ang publiko na mas higit na maging alerto at tiyaking naoobserbahang ang physical distancing sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon.
“The DOH values the protection of lives and livelihoods, and we are for spurring economic recovery,” ayon sa DOH.
Ang paaalala ay ginawa ng DOH ay ginawa bunsod ng mas mataas na passenger capacity ng mga public transportation at binawasan ang distansiya ng mga pasahero.
Una nang inaprubahan ang pagbabawas ng social distancing sa public transport vehicles ng mula isang metro ay naging 0.75 metro na lamang simula kahapon, hanggang sa tuluyang maging 0.3 metro na lamang sa pagtatapos ng buwang ito.