DOE, ERC kinalampag sa brownout, sablay na bill ng kuryente sa Iloilo

Ikinaalarma ng mga kongresista ang kunsumisyong brownout na nararanasan ng mga konsyumer sa Iloilo City.

Galit na galit na ang mga residente ng Iloilo City sa tila walang katapusan na brownout na nagpapahirap sa kanila araw-araw at nalalagay din sa alanganin ang pag-usad ng ekonomiya sa lugar.

Bunsod nito, kinakailangan ng panghimasukan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang usapin, ayon kay Ako Bisaya Party-list Rep. Sonny Lagon.

Mahalaga aniya na matiyak ang supply ng kuryente at masiguro na hindi maaapektuhan ang mga mamamayan ng Iloilo City dahilan sa labanan ng dalawang distribution utilities.

“Ang concern ko lang talaga is ‘yung mga consumers ng Iloilo, na sana hindi sila ma-apektuhan, lalo na ngayong pandemic. Ang problema ko talaga kasi is yung mga long brownouts na nangyayari,” ani Lagon.

“I also enjoin the DOE (Department of Energy) and the ERC (Energy Regulatory Commission) to investigate this matter at the soonest. Power is not something the consumers should have to worry about, especially with the pandemic right now, “ dagdag nito.

Bukod sa malalang brownout, dismayado rin ang mga konsyumer sa diumano’y palpak na kalkulasyon ng billing o bayarin sa kuryente na sinisingil umano ng power distribution utility More Electric and Power Corporation (MORE) na batay pa sa mga consumer ay walang direktang kontra sa kanila.

Batay kay Jose Allen Aquino, coordinator ng Koalisyon Bantay Kuryente (KBK), isang grupo na nagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga konsyumer sa isla ng Panay, bukod sa madalas ay mahabang oras rin ang nararanasang brownout ng mga konsyumer araw-araw.

“…and this is clearly a disservice to the people of Iloilo City,” sabi ni Aquino.

Binanggit ni Aquino na wala ring maisagot at mailatag na solusyon ang tanggapan ng MORE kapag hinihingan ng eksplanasyon ng mga konsyumer hinggil sa kunsumisyong power interruption.

Ang sablay na billing aniya ay maituturing na paglabag sa karapatan at kapakanan ng mga konsyumer na kinakailangang maimbestigahan ng ERC gaya ng ginagawang pagsisiyasat sa kapalpakan ng iba pang power utilities sa bansa.

“Almost 40,000 informal settlers, especially those living in the shorelines for decades, were offered instant connection of electricity by MORE but were eventually asked to sign a waiver which technically puts them at risk of being evicted from the property they’ve called home for many years,” paghahayag naman ni KBK interim chairman Ruperto Supena.

Hindi umano nainspeksyon at wala ring kaukulang rekisitos ang “service connection” na inilalako ng MORE.

“The burden of the Iloilo City consumers is being aggravated by electric bills that had escalated without clear explanation from MORE as to why the calculations turned out to be prohibitive and beyond the expectations of the end-users,” paliwanag ni Supena.

Kaugnay nito, nakikiisa si Abang Lingkod Party-List Rep. Joseph Steven Paduano sa mga panawagan na kagyat na imbestigahan ang Iloilo power issue.

“Once again, our argument on the issue proves us correct! And during this time of a pandemic it is more highlighted that the leaders of this country, in all branches of government involved in this power crisis, and that includes Congress, must show the people of Iloilo our sense of urgency to settle this issue the soonest possible time,” giit ni Paduano.

Patungkol naman sa usaping legal na bumabalot sa power distribution sa Iloilo, sinabi nito na “four judges have already inhibited from this case, which is highly irregular and has raised questions about the integrity of the proceedings that always seem to favor MORE.”

Dapat aniyang makarating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin. “…for him (PDu30) to look into this so we can be assured that due process is being followed and that there is no abuse of our legal system.

The Supreme Court needs to address this, because the longer this drags on, the longer Iloilo will suffer without power,” ayon pa kay Paduano.

Para kay PHILRECA Party-list Rep. Presley de Jesus, nakakaalarma na ang power situation sa lungsod ng Iloilo. Makakaapekto aniya sa kalusugan at kaligtasan ng mga Ilonggo ang nararanasang mga brownout.

Napaparalisa rin ayon sa kongresista ang operasyon ng mga negosyo lalo na ang MSMEs (Micro, Small and Medium Enterprises) na business landscape ng Iloilo.

“There is a need for the House Energy Committee and the ERC to look into the power situation in Iloilo to ensure the reliability and stability of the power supply and distribution,” pagbibigay-diin ni de Jesus.