Disney may bagong ‘Star Wars’ film

Walt Disney Star WarsMagkakaroon ng bagong ‘Star Wars’ film sa direksyon ni Taika Waititi, ayon sa Disney Co.

Mayroon ding binubuong ‘Star Wars’ series para sa streaming service na Disney+ sa panulat ni Leslye Headland.

Wala pang release date ang dalawang project.

Ang huling installment ng ‘Star Wars’ movie ay ang “The Rise of Skywalker” noong Disyembre 2019.

Ang huling installment ay nakalikom ng $1.1 billion worth of tickets worldwide ngunit ito ang pinaka-lowest grossing film ng ‘Star Wars’ na ni-release ng Disney simula noong 2015.