‘Dirty ice cream’ ibebenta sa New York sa Independence Day

Ibebenta sa Time Square ang dirty ice cream in celebration of Philippine Independence Day.

Nag-release ang Filipino street food pop-up ‘So Sarap NYC’ ng Facebook video na nagpapakita nang lalaking may yellow tradional ice cream cart sa famous New York City landmark.

Ayon sa So Sarap NYC owner Pinoy chef VJ Navarro, gusto nilang gawin ang iconic Filipino ice cream cart sa darating na Independence Day because they wanted to remind people of their childhood.

“Lumaki po ako sa Pilipinas kung saan palagi po kaming nililibre ng lolo namin ng dirty ice cream kapag may dumadaan sa aming kalye. Naalala ko po ’yung sarap ng ice cream habang nage-enjoy kasama ang buong pamilya,” saad niya.

Ang nasabing project ay collaboration ng So Sarap NYC at Kabisera Cafe, na Pinoy cafe sa New York.

They also make sure na same taste at texture na binibenta sa Pilipinas ang gagawin nilang sorbetes.

“Since my favorite flavors are ube (purple yam) and cheese, we thought of making those flavors first because cheese is not a known ice cream flavor here in the US. We wanted to share it with our non-Filipino customers to try,” dagdag pa niya.

Ang dirty ice cream cart ay makikita around Time Square at iba pang parts ng New York City sa June 12-13.