Direk Joey Reyes pinuri ang Korean dramas

Direk Joey ReyesIsang blog post ang isinulat ni Filipino director Joey Reyes na pumupuri sa mga Korean drama.

Ito ay sa kabila ng komento ng kapwa direktor na si Erik Matti na ito umano ang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang Pinoy entertainment industry.

Sa nasabing blog, sinabi ni Reyes na ‘impressive’ at ‘visually stunning’ ang Koreanovelas.

Hindi lang ito sa magarbong produksyon, pati na rin sa ‘market and branding.’

‘Useless’ din umano na ikumpara ang Pinoy telenovela sa K-drama dahil pang worldwide entertainment ang hangarin ng huli habang ‘pang masa’ naman ang target ng una.

https://chokingonmyadobo.blogspot.com/2020/04/day-32-ecq.html