Dingdong Dantes gustong magbigay ng trabaho sa quarantine

Nagbahagi si Kapuso actor Dingdong Dantes kung paano kumita sa kabilang ng work suspension dulot ng enhanced community quarantine.

Dingdong Dantes YesPinoy

Sa kanyang tweet, inanyayahan ng aktor ang mga freelancer, naghahanap ng alternatibong trabaho, at fresh graduates na mag-apply sa home-based jobs na ino-offer sa JobStreet Philippines, isang online job portal.

Ani Dingdong, sinusuportahan ng kanyang YesPinoy Foundation ang ‘#SanaOL’ campaign ng Jobstreet na naglalayong magbigay ng oportunidad na kumita sa kabila ng quarantine.

Ilan sa mga trabahong inaalok ay part-time education consultants, ESL (English as Second Language) teachers for kids, content editor, content writer, marketing virtual assistants, quality analyst, freelance report analyst at sales agent.