Dimples Romana pinakita ang bagong bahay

Binahagi ng ‘Kadenang Ginto’ star ang kanyang recent milestone — bagong bahay.

“Today’s milestone offering this blessing to my Papa in heaven my grateful heart sings praise for Your unending grace and love Father God. May the weekend bring forth blessings of peace and joy to you and your family! Magandang hapon po sa lahat from me and my loveteam for life,” caption niya sa Instagram.

Dimples Romana asset

Umapaw ng congratulatory message ang comments section galing sa mga fans at colleagues.

Sa isa pang post, pinakita nito ang view ang bagong bahay sa isang high-rise building.

“Radiating God’s love! Good morning amazing people! Don’t forget to shine from within.”

Ang kanyang bagong bahay ay isa lang sa real-estate investments ni Dimples at kanyang asawa.

Ilan sa kanilang properties ay dalawang condo units, apat na bahay, beachfront property sa Palawan, farm at vacation home sa Cavite, isa pang farm sa Batangas at three-story commercial building sa Parañaque.