Isa na naman challenging role ang ginampanan ni Dimples Romana na mas kilala sa kanyang pagganap na Daniela Mondragon sa Kapamilya hit afternoon series na ‘Kadenang Ginto’.
Sa kanyang recent vlog na inupload sa kanyang YouTube channel, pinakita nito kung paano siya nag-transform bilang Marvel superhero Iron Man para i-surprise ang kanyang anak na si Alonzo.
Naisip niya ang ideya matapos magsuot siya ng gladiator outfit sa last shooting day ng ‘Kadenang Ginto’, kaya nagpagawa siya ng Iron Man outfit para sa 5th birthday ng kanyang anak na lalake.
Aminado si Dimples na nabawasan ang oras niya sa kanyang mga anak dahil sa ‘Kadenang Ginto’ kaya gusto niyang makabawi sa mga ito.
Si Alonzo ay pangalawang anak niya sa kanyang asawa na si Boyet Ahmee.