Digong moves sa SEA Games, trending

Gumawa agad ng eksena si Pangulong Rodrigo Duterte sa opening ng 30th Southeast Asian Games.

Habang nagmamartsa patungo sa Philippine Arena ang mga atletang kalahok sa SEA Games sa saliw ng awiting ‘Manila’ na pinasikat ng grupong Hotdog ay sinabayan ito ng indak ni Pangulong Duterte.

Natuwa ang mga nakatutok sa opening ng SEA Games nitong Sabado, Nobyembre 30 sa pagpalakpak na sinabayan ng sayaw ng Pangulo ang nasabing awitin.

Umani ng positibong komento sa social media ang ginawa ng Pangulo.

Marami ang nag-enjoy sa Pangulo kaya ang inis ng mga kritiko sa nag-organisa ng SEA Games ay natabunan.

Dedma naman si Brunei Sultan Bolkiah na isa sa sumaksi sa SEA Games opening sa pag-indak ni Pangulong Duterte.