Dianne Medina, Rodjun Cruz magkaka-baby boy

Magkaka-baby boy sina celebrity couple Dianne Medina at Rodjun Cruz.

Sa kanilang bagong vlog, binahagi nila ang gender reveal party sa kanilang panganay.

“Guys, there you have it. Tapos na ang gender reveal party natin. It’s a boy! Thank you everybody for joining,” sey ni Dianne.

Speechless naman si Rodjun.

“Actually hindi ko alam ang sasabihin ko, speechless talaga siyempre thankful talaga ako. Answered prayer kasi nagkaroon kami ng baby ni Dianne. Tapos kahit boy or girl ‘yan kung ano ang blessing na ibigay sa amin ni Lord ay mamahalin namin ng sobra. Ngayon siyempre nalaman ko na baby boy. Excited ako sa future namin.”

Ikinasal ang dalawa noong Disyembre matapos ang mahigit 10 taon na magka-relasyon.