‘Di lang ABS-CBN shutdown ang isyu! DDS tinalakan ni Agot

Agot Isidro ABS-CBN franchiseMatapang na nagpahayag ng saloobin sa mga naglalabasang pahayag ng mga artista kaugnay sa usapin ng pagsasara ng ABS-CBN ang aktres na si Agot Isidro.

Si Agot ang isa sa showbiz celebrity na lantaran ang pagbatikos sa gobyerno at sa pananaw niya ay umaabuso sa kapangyarihan.

Kaya naman sa posibleng pagsasara ng ABS-CBN ay matapang ulit itong nagbigay ng kanyang pananaw.

Nagpaabot din si Agot ng mensahe sa mga kapwa niya artista na kanya-kanyang bigay ng opinyon, mensahe, pakiusap, pasasalamat sa usaping ito.

Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng ABS-CBN ay maraming mga artista ang naglalabas ng kanilang nararamdaman tungkol sa posibilidad na mawalan sila ng trabaho, o pati na ang mga maliliit na tao sa showbiz.

Kaya naman ay nakiusap si Agot na sana ay hindi lang sa posibleng shutdown ng Dos maglabas ng kanilang boses ang mga artista.

“The uproar over the Quo Warranto brought many personalities to speak up. Hopefully, they would also consider speaking out for the many other instances wherein our freedoms are being curtailed. Sana lang naman. #ItsTime!” prangkang sambit ni Agot sa Twitter.