DFA nakatutok sa 2 Pinoy marino na dinukot sa Cameroon

DFA nakatutok sa 2 Pinoy marino na dinukot sa Cameroon Siniguro ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinututukan nilang ang report tungkol sa pagdukot ng walong marino ng isang oil tanker, kasama ang dalawang Pinoy sa Cameroon Port.

Dinukot ng mga pirata noong Martes ang walong miyembro ng Greek oil tanker na Happy Lady sa Cameroon Port.

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Abuja, na sakop ang Cameroon, sa mga awtoridad para masigurado ang kaligtasan ng Pinoy seafarers.

Noong Nobyembre rin ay dalawang marinong Pinoy ng Greek ship ang dinukot at siyam naman sa isang Norwegian cargo ship.