Nagbahagi ng ng cryptic post sa Instagram si Devon Seron na nag-ugat ng chikang hiwalay na sila ni Kiko Estrada.
Ang dating Pinoy Big Brother housemate ay nag-post ng black and white photo of clasped hands na may caption na, ““The tongue may hide the truth but the eyes never. I asked God for a sign but I witnessed it for myself.”
Mabilis na nagkomento ang mga netizens na posibleng naghiwalay na ang dalawa matapos mag-unfollowan sila sa Instagram.
Napansin din ng mga followers na deleted na ang photos nila together sa account ng aktres, at inalis naman lahat ni Kiko ang mga posts niya sa photo-sharing app.
At ang third party umano sa hiwalayan ay si Heaven Peralejo, ang co-star ni Kiko sa Kapamilya series na Bagong Umaga.
Unang nagkatrabaho sina Devon at Kiko sa movie ‘Walwal’ at isinapubliko ang kanilang relasyon noong 2019.