DeviantArt star Qinni namatay sa cancer

Nagkiramay ang online art community DeviantArt matapos ang pagkamatay ni digital artist Qing Han, mas kilalang Qinni, dahil sa sakit na cancer nitong Martes.

“Today, the world has lost a wonderful artist, and a wonderful person. Thank you for inspiring us with your art, Qinni. We hope you rest in peace,” tweet ng DeviantArt.

Starred freckles Qinni

Nakilala si Qinni sa DeviantArt, at isa sa mga unang artist na nainterview sa weekly artist feature ng online art community noong 2016.

Ang Canadian-based artist ang nasa likod ng ‘Starred Freckles’ watercolor artwork ng isang babae na may bituin sa kanyang mukha at ang crying man meme.

Nitong February 7, ibinahagi ni Qinni ang kanyang panghihina matapos ang chemotherapy session.

Namatay siya sa edad na 29.