Derrick Monasterio nagtayo ng haircut service sa mga barberong apektado ng COVID-19

Naglunsad ng home haircut service si Kapuso actor Derrick Monasterio para makatulong sa mga barberong apektado ng COVID-19 pandemic.

“Nothing compares to being safe and indoors, that’s why I wanted to do my part and help in my own little way by launching QUARANCLEANPH,” sey ng aktor sa kanyang Instagram.

“This is also my way of helping highly skilled barbers from top salons in the country that are now unemployed because of this pandemic,” dagdag pa nito.

Isa sa mga unang customer ng Quarancleanph ay kanyang co-Kapuso star Barbie Forteza.