Action speaks louder than voice.
Ganito ang interpretasyon ng netizens sa ipinost na larawan ng aktor na si Derek Ramsey sa Instagram.
Kasama ng aktor sa photo ay ang kapareha nito sa isang teleserye sa GMA 7 na ‘The Better Woman’ na si Andrea Torres.
Mainit ang tagpo sa larawan kung saan ay ipinakitang naghahalikan ang dalawa.
Walang sweet caption sa ipinost na photo kundi sandamakmak na heart and kiss emoji.
Matipid naman ang reaksyon ni Andrea sa nasabing post dahil isang heart emoji lamang ang kanyang pinakawalan.
Ang ipinost na larawan na galing mismo kay Derek ay isang kumpirmasyon umanong may relasyon na ang mag-loveteam.