Derek Ramsay pinasilip mala-hotel na bahay

TIYAK maraming kinabog ang aktor na si Derek Ramsay sa ipinasilip nitong bagong gawang bahay na tila isang hotel sa ganda.

Makikita ang bawat sulok ng bahay ni Derek sa kanyang YouTube.

Kumbaga ay buking na ang kasuluk—sulukan ng bahay ni Derek dahil mula sa unang palapag hanggang roof deck ng kanyang bahay ay ipinasilip ni Derek.

Bongga din ang mga nakalagay na artworks na gawa ng mga kilalang local artist kagaya nina Dominic Jenon, Jinggoy Buensucesco.

Siyempre ay bongga rin ang mga furniture ni Derek dahil disenyo ang iba rito nina Zaha Hadid at Kenneth Cobonpue.

Hindi lang sa bonggang bahay matatakam ang mga makakapanood kndi maging sa magagara nitong sasakyan ay tiyak maglalaway.