Derek Ramsay ginamit sa stag party modus

Nagbabala ang aktor na si Derek Ramsay laban sa scammer na gumagamit sa kanyang pangalan para makapag-imbita ng mga kababaihan sa umano’y inorganisang nitong stag party.

Ang babala ay ipinost ng aktor sa kanyang Instagram account ngayong araw, Oktubre 22,2019.

Ganito ang nakasaad sa kanyang IG account:

“Hi everyone I just wanna call your attention cause someone is using my name under this digit 09756435764.This number is sending text messages to my social media influencer friends about organising a stag party for Derek Ramsay.”

Ayon sa aktor sakaling may matanggap na ganitong imbitasyon ay ‘wag patulan.

Sakali naman aniyang may nalalaman sa modus na ito ay makipag-ugnayan sa kanya.