Single na muli si Derek Ramsay matapos kumpirmahin ng kanyang abogado na “null and void” na ang kanyang kasal.
Naungkat ang nasabing issue matapos mag-comment ang isang follower ni Derek na mas magiging masaya umano ang girlfriend nito na si Andrea Torres kung annulled na ang kasal nito.
Nag-reply naman ito ng “I am, dear” sa nasabing follower, na kinumpirma naman ng kanyang lawyer na si Atty. Josabeth “Joji” Alonso.
Matatandaan na nag-file ng concubinage case noong 2014 si Mary Christine Jolly laban kay Derek, na napabalitang ikinasal sa kanya noong 2002.
Hindi naman binanggit kung kailan napawalang bisa ang kasal nito.