Dapat palakasin ng Department of Health (DOH) ang kampanya laban sa paggamit ng UV light lalo na sa mga bahay bilang panlaban sa COVID-19.
Ito ay bunsod ng aksidenteng inabot ng aktor na si Derek Ramsey.
Inamin mismo ni Derek na isinugod siya sa ospital nakaraang linggo dahil sa UV light.
Ang inabot na pinsala sa UV light na inilagay nya sa kanyang bagong bahay ay naikuwento ng aktor sa interview nina Iya Villania at Camille Prats sa “Mars Pa More”, sa GMA.
Ani Derek, gabi noon at napansin niyang kumikislap ang UV light niya sa bahay kaya inayos nya.
Subalit bandang madaling araw anya ay hindi na niya maimulat ang kanyang mga mata.
Dahil sa pangambang magkadiprensya ang mga mata ay nagpasugod na sya sa ospital sa kanyang GF na si Andrea.
“Talagang they were burning, eh ayoko naman siyang gisingin (Andrea). I went to the bathroom, naghugas ako ng mata. It got worse. Then it just got worse and worse, so napilitan na akong gisingin si Andrea, at tinakbo na ako sa ospital,” anang aktor