Deployment ban sa Kuwait aprubado na

Opisyal ng itinaas ang deployment ban sa bansang Kuwait matapos ang tumataas na bilang ng kaso ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na namamatay sa naturang bansa.

Pinirmahan ng mga opisyal ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Governing Board noong Biyernes, Enero 3, ang partial deployment ban ng manggagawa sa Gulf State.

Ginawa ang hakbang na ito matapos maiulat kamakailan ang pagkamatay na naman ng isang OFW, na si Jeanelyn Villavende na pinatay umano ng kanyang Kuwaiti employer.

Ibaba lamang ang deployment kapag nasintensyahan na ang mga suspect sa pagkamatay ni Villavende. Naka-detain na ang mga suspect na employer ni Villavende.