Dengue case na naipasa sa pagtatalik, kumpirmado

Kinumpirma ng Spanish authorities ang Dengue case na naipasa sa pamamagitan ng sex, na pinaniniwalaang naipapasa lamang ng mga lamok.

Ayon kay Susana Jimenez ng Madrid public health department, isang 41-anyos na lalaki sa Madrid ang nakakuha ng Dengue dahil sa pakikipagtalik sa kanyang male partner na nakakuha ng virus noong bumisita ito sa Cuba.

Ito ang unang sexual transmission ng Dengue virus sa isang men-to-men contact.

Ang Dengue ay madalas makuha as mga tropical regions katulad ng South East Asia, Africa, Australia, Caribbean, South at Central America.