Demi Lovato, Selena Gomez friendship over na?

Demi Lovato Selena GomezNaging bukas si Demi Lovato sa kanyang recent interview tungkol sa pagkakaibigan nila ni singer Selena Gomez.

Sa kanyang interview sa Harper’s Bazaar magazine, tinanong si Demi kung bakit hindi niya sinagot ang thank you message ni Selena na pinost nito sa Instagram.

Bago maopistal si Demi dahil sa overdose, nakapag-perform pa ang singer para sa tribute ng Grammys para kay Selena.

Matapos mapanuod ni Selena ang kanyang pag-awit ng ‘Anyone,’ nag-post ito ng kanyang pasasalamat kay Demi.

“I wish there were words to describe how beautiful, inspirational, and DESERVED this moment was. Demi, I’m so happy for you. Thank you for your courage and bravery.”

Sinagot ni Demi ang katanungan ng marami kung bakit hindi ito sumagot sa nasabing post.

“When you grow up with somebody, you’re always going to have love for them. But I’m not friends with her, so it felt …”

Si Demi at Selena ay naging malapit na magkaibigan noong ‘Barney’ at Disney days nila.