Engage na ang dalawang deboto ng Nazareno matapos mag-propose ang lalake sa kanyang girlfriend sa kasagsagan ng Traslacion nitong Huwebes, January 9.
Inalok ng kasal ni Kim Noel Yamat ang kanyang kasintahan na si Mary Joie Flores sa Traslacion dahil pareho silang deboto ng Poong Nazareno, ayon sa post ng Manila’s Public Information Office.
Ikakasal sila sa Marso ngayong taon.