Death toll sa coronavirus sa Pinas, 5 na!

Nadagdagan ang bilang ng binawian ng buhay na mga pasyente na may coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas nitong Marso 12.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), umakyat na sa lima ang COVID-19 positive na namatay sa bansa.

Kabilang sa tatlong nasawi ayon sa ulat ng DOH ay sina Patients 5, 6 at 37.

Ayon pa sa ulat ng DOH, sina patients 5 at 6 ay ang mag-asawang na-confine sa Research Institute for Tropical Medicine.

Nabatid na si Patient 5 ay madalas bumisita sa Muslim Prayer Hall sa Greenhills, San Juan samantalang si Patient 37 ay 88-anyos na babaeng na-admit sa Philippine Heart Center.

Nauna rito ay naiulat na nasawi ang isang Chinese at isa pang Pinoy na pasyente naman ng Manila Doctors.