Niyanig ng malakas na lindol ang ilang lugar sa Mindanao kagabi.
Kabilang sa mga lugar kung saan naramdaman ang paglindol ay Cagayan de Oro, Iligan, Davao at Kidapawan City.
Sa inisyal na ulat ni Phivolcs Director at Undersecretary Renato Solidum ng naitala sa intensity 6.3 sa Davao habang intensity 7 naman sa Kidapawan.
Alas-7:37 ng gabi nang mangyari ang lindol at may lalim na 15 kilometro.
Naitala ang epicenter sa east ng Tulunan town, North Cotabato.
Inilarawan ni Director Solidum ang lindol na ‘moderately strong.”