Ikakasal na ang aktres na si Han Da Gam.
Nagpalabas ng statement ang kinabibilangang BB Entertainment Agency ni Han Da Gam, kilala rin bilang Han Eun-jung, kung saan kinumpirma na ikakasal na ang aktres sa January.
Ang fiancé ni Han Da Gam ay isang negosyante at nakatakda ang kasal sa January 5, 2020.
“As the husband-to-be is a civilian, the wedding ceremony will be a private affair, with only close family and friends in attendance. We ask for your understanding that we are unable to disclose any further details about the wedding,” ayon pa sa statement ng BB Entertainment.
Si Han Da Gam ay gumanap sa Full House bilang Kang Hye-won at naging kontrabida kay Song Hye Kyo na siyang naging love interest ni Rain.