Darren Espanto AC Bonifacio

PASABOG ang post ng Kapamilya singer na si Darren Espanto sa kanyang Instagram.

Kasama lang naman niya ang dancer, singer na si AC Bonifacio sa Vancouver, Canada.

May caption ang photo nina Darren at AC na: Reunited.

Hulaan naman ang mga follower nina Darren at AC sa pagsasama ng dalawa sa Canada.

May nagtatanong kung may collab ang dalawang singer. Hindi rin nakaligtas sa netizens ang magkamukhang sout na pantalon ng dalawang celebrity kaya’t inusisa kung iisa ang binilhan nila ng sout na pants.