Daniel Radcliffe bumida sa Harry Potter audio book

Inanusiyo ng streaming app Spotify at ni author JK Rowling na ilalabas nila ang weekly recordings narrated by celebrities ng “Harry Potter” series.

Harry Potter audiobook

Ang unang celebrity na nagbigay buhay sa first chapter ng “Harry Potter and the Sorcerers’ Stone” ay si Daniel Radcliffe, na siyang bumida sa film adaptation nito.

Ilan pa sa mga celebrities na magna-narrate ay sina soccer icon David Beckham, actors Stephen Fry at Dakota Fanning.

Ang buong 17 chapters ay ilalabas ngayong mid-summer, for free, sa Spotify.

Ang videos naman ng mga celebrity recordings ay mapapanuod sa Harry Potter At Home website.