Nag-celebrate ng kanyang 25th birthday si Daniel Padilla nitong April 26 kasama ang kanyang pamilya sa kanilang tahanan, sa gitna ng enhanced community quarantine sa Luzon.
Nag-post ang kanyang ina na si Karla Estrada ng kanilang ‘birthday salubong’ sa Instagram, na siya ring dahilan kung bakit di ito nakanuod ng online live concert ni Regine Velasquez.
“Maligayang kaarawan anak! Hindi ko napanood kagabi ang concert ni ate Regine dahil sinalubong natin ang birthday mo kaya sa YouTube ko panonoorin.
“Ganon pa man ay nairaos natin ng maligaya at matiwasay ang birthday salubong mo anak, kasama ang isang masaya at malaking angkan na meron tayo.”