Halloween na naman kaya timing ang ginanap na ‘Black Magic Ball’ ng mga Star Magic artist na may kani-kaniyang pakulo para mangibabaw.
Pinangunahan ng showbiz partner na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang ‘Black Magic Ball’ kung saan ay nakapang-Poison Ivy si Kathryn habang si Daniel naman ay nakapang-Dracula.
Nasungkit ng mag-partner ang ‘Best in Costume.’