Damay kay Koko: Pacquiao at pamilya inobligang mag-quarantine

Manny Pacquiao quarantine letterInobliga ng pamunuan ng subdivision kung saan nakatira si Senador Manny Pacquiao na mag-self quarantine kasama ang pamilya at lahat ng kasamahan sa bahay.

Ayon sa liham ng Barangay chairman sa Dasmariñas, Makati si Pacquiao, kanyang pamilya at mga kasama sa bahay ay itinuturing na Person’s Under Monitoring (PUM).

Ito ay bunsod ng kumalat na mga larawan nito kasama si Sen. Koko Pimentel na naunang nagpositibo sa COVID-19 na nagpa-party sa bahay ng senador.

Ayon pa sa liham ni chairman Rosanna Hwang karamihan sa mga kasama ni Pacquiao sa Senado ay nagpositibo sa coronavirus kaya kailangan nitong sumailalim sa home quarantine.

Ang hakbang ng barangay ay base rin umano sa rekomendasyon ng doktor ng Makati Medical Center na residente ng barangay.