Dalaga naburyo sa lockdown, sinunog ang bahay

Isang 17-anyos na batang babae ang sinunog ang kanilang bahay dahil pinigilan ito ng kanyang ina na lumabas dahil sa enhanced community quarantine sa Zamboanga del Sur, Linggo.

Ayon sa pulis, ang dalaga na kinilala na si ‘Macel’, ay nagalit sa kanyang ina matapos na tinago nito ang susi ng kanilang motorsiklo para maiwasan siyang lumabas.

Nangolekta ng dahon saging at niyog si Macel ats sinigaan ito at iniligay sa kanilang bahay, sa Purok 4, Barangay Buenaswerte.

Tinurn over si Macel sa municipal social welfare and development office para sa proper disposition.