Ipinatupad na noong Disyembre 7, 2019 ang bagong premium rates ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kasabay ng pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Law.
Ang dagdag singil sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth ay .25 porsiyento.
Kaya mula sa 2.75% buwanang bayad sa PhilHealth ay magiging 3% na ang premium rates.
Alinsunod sa inilabas na rate ng PhilHealth ang mga sumasahod ng P10,000 na nagbabayad ng P275 ay magbabayad na ng P300 sa susunod na taon.
Ipinatupad ng PhilHealth ang pagtataas ng kontribusyon para matugunan ang serbisyong medikal sa umiiral na Universal Health Care Law.