Sa recent survey ng dating site Dating.com, 75% ng respondents ang sumagot na mas preferred nilang partner ay may ‘dad bod.’
Ayon sa kanilang website, nagtanong sila sa 2,000 single via email kung ano mas preferred nilang body type for a partner at anong body type ang tingin nila meron sila.
Sa report ng Business Insider, ang resulta ng survey ay may kinalaman sa lifestyle ng mga tao ngayong pandemic, saad ni Dating.com president Maria Sullivan.
“Singles are beginning to embrace more body types as they know the struggle of staying in shape during the pandemic,” saad ni Sullivan.
“Dad bods are bringing a whole new level of confidence and body positivity to singles as others are beginning to embrace and prefer a more common body type than the fit and chiseled figure. Singles are now spending less time worrying about the way their body looks and spending more time getting to know other singles without feeling self-conscious about the way they look,” dagdag pa niya.
Tinukoy ng Dating.com na ang “dad bods” ay para sa lahat ng gender orientation, taliwas sa tradisyonal na kahulugan na tumutukoy sa mga katawan ng kalalakihan.
“Only 15% of Dating.com members shared that they prefer a Barbie or Ken-like body type when it comes to a person of their desired gender,” conclusion ng survey.