Naglabas ng bagong rules ang Chinese government sa paglimita ng paglalaro ng video games dahil sa paglala ng adiksyon dito ng mga bata na nakakaapekto sa academic performance sa eskuwelahan.
Ang bagong regulasyon ay inanunsiyo ng National Press and Publication Administration, kung saan ang mga nasa edad 18 pababa ay hindi na maaaring maglaro simula 10 p.m hanggang 8 a.m.
Hindi rin sila maaaring maglaro ng mahigit 90 minuto kapag weekdays at tatlong oras naman sa weekends at holidays.
Kailangan din gamitin ng minor players ang kanilang totoong pangalan at identification numbers kapag maglolog in sa laro.
Nililimitahan din ang pagbili ng in-app purchase gaya ng virtual weapons, clothes at pets.
Nasa $28 hanggang $57 dollars lang sa isang buwan ang kanilang maaaring bilhin, depende sa edad.