Cristy Fermin may pasabog kay Kris Aquino

Tumitindi ang iringan sa pagitan ng radio broadcaster- columnist na si Cristy Fermin at Queen of all media Kris Aquino.

Sa column ni Fermin sa isang tabloid ay nilabas nito ang ilang baho ni Kris.

Nakakwindang ang mga pasabog ni Cristy laban kay Kris lalo na’t may mga anak na ang huli at kapwa pa mga lalaki.

Sa nasabing column ni Fermin ay nilantad nito ang ilang kuwento sa likod ng hiwalayan ni Kris at dating Mayor at comedian na si Joey Marquez.

Nasabit pa sa kuwento ni Fermin ang anak ni Sen. Lito Lapid na si Mark Lapid na happily married na.