Record high ang naitalang Covid positive ngayong araw, Agosto 10 na nasa 136,638 kabuuang kaso.
Base sa DOH COVID-19 CASE BULLETIN #149 mayroong 6,958 new cases kung saan ay nanguna ang NCR 4,163 (60%) cases, CALABARZON (1,323 o 19%) at Region 3 (302 o 4%).
May 254 cases namang naitala mula sa mga Returning Overseas Filipinos (ROF).
Ang record na ito ng DOH ay base sa isinumiteng resulta ng 74 sa 99 mga laboratoryo.
Nasa 2, 293 naman ang nasawi at 68,159 ang nakarekober.