GOOD news ang ibinalita nitong weekend ng UP researcher at OCTA Research Team patungkol sa lagay ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa University of the Philippines professor at OCTA Research Team Guido David bumaba na ang kaso ng COVID pagpasok ng Setyembre.
Ayon kay David nasa 0.94 na ang ratio ito ngayon mula sa dating 0.99 nakaraang linggo.
“So nagde-decrease pa siya and that is very good news. Ibig sabihin, nasu-sustain natin ‘yung flattening of the curve,”ayon kay David. Paliwanag ng UP researcher, base sa statistic na kanilang ginahamit para sukatin ang coronavirus reproductive rate sa bansa ay bumaba na sa “value less than one”.