COVID-19 update: 16M sa Italy sumailalim sa quarantine

Isinailalim sa quarantine sa Italy ang may 16 milyong tao bilang bahagi ng pagsugpo sa coronavirus.

Saklaw ng quarantine ay ang mga nakatira sa Lombardy at sa 14 mga lalawigan sa central at northern part ng Italy.

Kailangan din magkaroon ng  special permission para makabiyahe sa nasabing mga lugar.

Apektado na rin ang Milan at Venice ng coronavirus.

Inanunsyo na ni Prime Minister Giuseppe Conte ang pagsasara sa schools, gyms, museums, nightclubs at iba pang pinagdadausan ng mga pagtitipon sa nasabing bansa.

Ang Italy ang may pinakamaraming apektado ng coronavirus sa Europe, na may kumpirmadong kaso na mula sa 1,200 ay naging 5,883 noong Sabado.

Kabilang sa nagpositibo sa COVID-19 ay ang army chief of staff ng Italy.

Naitala naman sa 230 ang kabuuang bilang ng namatay at 36 katao sa loob lamang ng 24 oras.