Sagot ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang gastusin sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) tests.
Ito ang kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa gitna ng lumulobong kaso ng coronavirus.
Ayon kay Nograles ang COVID-19 tests sa mga ospital ay dapat cover ng state health insurance firm kabilang ang gastos sa quarantine at confinement.
Sa mga naunang pulong sa Kamara ay napag-alamang nasa P50,000-P80,000 ang gastusin sa pagpapagamot ng may coronavirus.