COVID-19 positive dumalo sa misa

Isang tao na kalaunan ay napag-alamang positibo sa coronavirus ang dumalo sa misa sa California noong Mother’s Day, na nag-expose ng mahigit 180 katao sa virus.

Nagpositibo ang indibidwal matapos ang church service at ngayon ay naka-home isolation.

Nabalaan na rin ang mga dumalo sa nasabing misa at pinayuhang mag-self quarantine, at inaasahang ite-test.

Mayroong stay-at-home order ang gobernador sa kahit anong gatherings simula pa noong Marso.

Kahit na nagsimula ng itaas ang ilang restrictions ay hindi pa rin pinapayagan ang in-person religious gatherings.

Sa ngayon ay nasa 78,800 na ang kaso ng COVID sa California at 3,200 na ang namamatay.